Mt. Manabu Chillax (Birthday Climb)

Mt. Manabu Chillax (Birthday Climb)

Location: Sto. Tomas, Batangas
Jump-off Point: Sulok, Brgy. Sta Cruz, Sto. Tomas
Days required / Hours to summit: 1 day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9

Ang napiling akyatin ng grupo para sa Fun Climb noong July 30-31, 2016 ay ang Mt. Manabu, ito ay isa sa mga bundok na madaling akyatin kahit ang pangalan nito ay hango sa salitang “Mataas na bundok”. Ito ay may peak na 2400 feet ASL (Above Sea Level) at may difficulty na 2/9, masasabing ito ay minor climb lamang at maaring akyatin ng mga di eksperyensadong climber (katulad namin).

Ang mga naglalakasan at naglulupitang mga bida sa “Fun Climb” na ito ay sina: Master Ceejay, Mj (ang babaeng ayaw mapag-isa sa “SOLO” tent nya), Joms (birthday boy), Donna (Dog style), Marife (Breast stroke), Avs (Muse), Mabel (Muse), Eigher (matalik na kaibigan ng mga damo) and Martin (A.k.a Marlyn).

Meeting place sa Jam Bus station near Buendia LRT, assembly time 15:00-15:30. May mga na-late ng dating kaya around 17:00 nakaalis ng Maynila papuntang SM Lipa Batangas.

early birds

Around 20:00 nakarating ng SM Lipa, sumakay ng tricycle papunta sa barangay kung nasaan ang JOP at nagparegister. Pagkatapos magpa-register ay inumpisahan ng umakyat ng grupo bitbit ang cake na para sa birthday boy na si Joms. Umulan ng araw na ito at ang daan ay maputik at madulas ngunit hindi ito naging sagabal sa pursigidong grupo ng mga hayok sa alak. Pag karating sa station 5 ay nagpahinga ng kaunti at inalok ang grupo ni Tatay Tinio ng libreng kape, ito ay ang station kung saan ang kapeng “Alamid o Civet” ay ina-alok at ibinibenta sa mga tourista. Ang kape ring ito ay ang pinaka mahal na kape sa buong mundo kung saan ito ay nagmula sa feces ng isang klase ng pusa na kung tawagin sa pilipinas ay “Alamid” at “Civet” naman sa Asia.

Imahe ng pusang Alamid o Civet sa Asia   (Kinuha mula sa Google)

Naka-akyat ang grupo sa camp site at around 22:00 ng gabi, may mga na-una ng grupo sa site at kami ay inabisuhan ng kanilang guide na dito na magset-up ng camp sapagkat wala ng puwesto sa itaas ng bundok. Naglatag ng tent ang grupo, nagluto ng hapunan (pork chop) at nagset-up ng tarp sapagkat umulan ng gabing ito.

Kulitan habang nagpre-prepare ng hapunan

Kasabay ng ulan ay ang pagcelebrate ng kaarawan ng gwapo naming kaibigan na si Joms, naglabasan ang poison water (GSM Blue na ang favorite ng grupo ay ang Mojito flavor) at syempre ang cake (buong buo, square parin) na nakarating sa tuktok ng Mt. Manabu. Sa sobrang kasiyahan ay umabot hanggang 05:00 ng umaga ang inuman at nakapag desisyon ang grupo na magpahinga na at ituloy nalang ito sa paanan ng bundok.

 

Munting handa ng aming may birthday

Emosyunal na birthday boy

Mga eksenang di malilimutan, pagkatapos ng inuman ay may batang kumausap sa mga damo at nagpasalamat pagkatapos niyang sukahan ang mga ito. May babae ring nagsabi ng mga katagang “Ayokong mapag-isa sa tent ko” na kung saan ang dala niyang tent ay “SOLO” tent (ibang klase! Hindi pa sya uminom sa lagay na yan). Higit sa lahat, ang birthday boy na sa sobrang kalasingan ay hindi namalayang tatlong (3) babae ang kasama niyang natulog sa tent at sa kanyang pag-gising ay walang maalala sa mga naganap (hmmm..).

Ang babaeng may “Solo” tent

Ang babaeng nagpasalamat sa mga damo

Pagka-gising ay nagluto ng agahan (hotdog, ham at longganisa na pangmayaman), kaunting maaliwalas ang umagang ito at nakuhang magkulitan ng grupo. Inumpisahan ng babaeng mahilig lumangoy gamit ang style na “breaststroke”, naisipan ng birthday boy (Joms) at ng master nya (Ceejay) (mga bihasa sa breast stroke) na turuan ng technique ang babaeng inosente na nagtatago sa pangalang “Mafe”. Isama mo na rin ang Dog Style technique ng sidekick ng birthday boy na si Donna.

Master Ceejay at birthday boy Joms

Mga bihasa sa breaststroke

Breaststroke with facial expression

Napagpasyahan ng grupong magpack-up mga bandang 11:00 ng umaga at nagtungo sa summit ng Mt. Manabu kung saan naroon ang “White Cross”. Habang naglalakad papuntang summit ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang hangin. May nakasalubong na isang grupo na may mga kasamang bata. Ang magiting nating birthday boy ay inihatid ang mga bata pababa ng camp site upang sila ay makababa ng ligtas. Nagpatuloy ang grupo sa paglalakad patungong “Grotto”, may nadaanan din na stop over ang grupo kung saan maaaring bumili ng buko at avocado. Alas tres (3) na ng hapon ng makababa ang grupo sa JOP at sa lugar kung saan sila nagparegister. Nagbanlaw, nag-ayos at kumain ng masarap na lomi ang grupo kasabay ng buhos ng ulan.

Masasabi namin na ang climb na ito ay hindi lamang basta Fun Climb kundi “Super Fun Climb” dahil sa mga baliw na miyembrong nakipagkulitan at nagpasaya ng araw na ito. Memorable din ito sa aming birthday boy (Joms) sapagkat ayon sa kanya, “Ngayon lang ako nagbirthday ng may cake”. Maraming salamat daw po sa lahat, lalo na sa GMT.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *