CAWAG : 4 PEAKS

CAWAG : 4 PEAKS

By: Fhel Gregorio Mendenueta

All are bags are packed, we’re ready to go! After all the preparations and physical trainings done, now is the time to test how far we can push ourselves.  Training Course 6 for the batch 13 applicants was set last March 31 to April 1, 2018. The training objective is to test our endurance for long day hike and to test our endurance to heat. Kung initan ang pag-uusapan at sa haba ng lalakarin, ang unang papasok sa isip mo ay mga bundok sa Zambales. And yes, GMT chose Cawag 4 Peaks as the venue for our batch TC 6.

As stated at the itinerary, the team assembled at GMT HQ at 0000hrs and left immediately once our ride came to pick us up. The team rented a passenger jeep which for me, is more comfortable than a commuter van if you are bringing with you a full packed bags. Our travel from Manila to Zambales was smooth until we arrived at 0630hrs. The team immediate proceeded to the jump off point after registering at the Zambales Fire Station and after securing our 2 guides.

The team was divided into two groups namely: the Alpha Team (Hike Team) and the Bravo Team (Support Team). The Alpha Team is composed of 10 applicants of batch 13 and 2 GMT Members; Maam Donna and Sir Rhynald and 1 Founder Sir Ceejay. While the Bravo Team, waiting at the beach camp, is composed of five members; Sir Joms, Sir Melo, Maam Mabel and her sister, and Maam Hanna.

Taking Groupie shot before we were divided into two Groups

The plan was to climb the 4 peaks namely: Mt. BiraBira, Mt. Naulao, Mt. Dayungan and Mt. Cinco Picos and be at Silanguin Cove after 12 hours. Iniexpect ng karamihan sa amin na exhausting ang buong climb dahil sa known reputation na sobrang init mag hike sa mga bundok na ito. Pero sa kabaligtaran ay makulimlim ang panahon sa buong climb namin mehehe swerte! 😀 Thank you Lord na di nyo kami hinayaang matutong sa araw. Iniisip ko rin na kaya di uminit noong climb namin dahil merong may dalang pangontra sa init!

Kahit na di masyadong mainit ang climb ay di parin maiwasan na mahirapan ang iba sa amin lalo na sa mga paahon. Di maiwasan na mapagod dahil sa haba ng nilakad. At di maiwasan na may mapulikat buti nalang ay trained ang mga members at applicants ng GMT to handle such situation. Karaniwang paghihirap na nararanasan nmin sa climb ay pulikat, sprains, sugat o gasgas galing sa talahib at iba pang tanim na nadadaanan namin sa paglalakad, at ang sakit ng katawan.

As you can see in the picture above, GMT helping our member to recover from cramps.

The picture above shows why we want to hike. It’s not because we just want to see beautiful views, but we want to be with people who makes us happy. By joining this organization, we got to see the team work, friendship, and most specially, a family.

We start descending at around 1635hrs. After feeling blessed because of the good weather and mapagbigay na Diyos, maligaya kaming bumaba papuntang Silanguin. Dahil sigurado kaming madilim na kaming makakarating ay syempre nagdala na kmi ng kani-kanilang ilaw.

Bago kami makababa mismo sa Silanguin ay napagpasyahan ng Lead at Mid Team na maghintay sa patag at malawak na lugar. Habang kami ay naghihintay, naisipan naming gulatin ang isa naming kasama (the masayahing kasama, Jewel). At nagtagumpay nga kami, with the help and idea of Jerrel and Justin, gulat na gulat at muntik nang maluha si Jewel sa takot. Dahil sa matinding pagod at masakit na paa ay napaluha nlng sya habang kami ay tumatawa. Pagkatapos nya nman magulat ay binawian naman sya ng hug ni Jerrel bilang pagpapakita ng care and peace. Natuwa ang lahat pati na si Jewel. Isang masayang memory na naman ang  nangyari.

Pagkatapos nun ay nagpatuloy na kaming maglakad hanggang sa ito ang naabutan namin. Magandang view, nakaready na pagkain at higaan. Sabi nga nila, “Difficult roads lead to beautiful destinations”. Yes, worth it lahat ng pagod sa pag-akyat kapag narrating mo ang mga summit dahil sa ganda ng tanawin. Lalo na nung nakababa na kami sa Silaguin Cove na halos masolo ng aming grupo ang lugar.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay ano pa nga ba ang mangyayari, syempre di mawawala ang socials. Ito ang bumubuo ng matibay na pagsasamahan ng grupo. Ang pagpapakilala sa isa’t isa, sharing our thoughts and experiences.

Paggising sa umaga ay kami namang mga applicants ang naghanda ng pang almusal. Habang ang support team ay nagpapahinga at naghihintay kumain. Pagkatapos ng kainan ay nag enjoy na kaming magswimming hanggang tanghali dahil ang pick-up ng Bangka sa amin ay 1200 pabalik sa pundaquit at susunduin naman kami ng Jeep pabalik sa HQ.

Thanks sa support team sa paghanda ng masarap na pagkain after ng nakakapagod na akyatan. Salamat kay Lord sa magandang panahon at safe na climb. Salamat sa GMT headed by Sir Ceejay at sa mga members na sumuporta at nagbigay ng pagkakataon na maranasan naming ang ganitong experience. Till next climb! Awooo Awooo!

THE END!

 

Photos during our hike:

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *