Training Course 2 (BMC P2)

Training Course 2 (BMC P2)

By: Jerrel Salvatierra

Day 1

Actually hindi ako marunong magsulat ng blog, kaya iku-kwento ko na lang. Early morning meetup at Mcdonalds sa Pasay, ayaw ko talaga ng gumigising ng maagang-maaga lalo na ‘pag puyat pero exempted yung mga ganitong exciting na lakad. Luckily nakarating kami ng maaga kasi X 100 push-ups na ituuu hahaha! Early breakfast na rin sa Mcdo. Crispy chicken fillet ala king, mura na, bitin pa, san ka pa! Buti na lang free sabaw-gravy the ultimate extender. Enough na sa advertising at di naman ako binabayaran ng Mcdo hahaha!

Sumakay kami ng jeepney papuntang Layong Bilog river, malapit sa Mt. Talamitam. Nung nakarating na, nagbreakfast muna sila somewhere near and natulog muna kami ni Kakay sa jeep. Naglakad kami from parking lot to camp site. (10 mins walk ata?)

Kakarating pa lang… stretching, push-ups, lahat na ng nakakapagod pinagawa…

Joke lang po, yung enough lang para magising yung diwa namin.

Hinati kami sa two teams- boys and girls. Tent pitching while blindfolded game, nanalo ang boys! Tent ko kasi yung ginamit ng girls tapos samin yung kay sir Raymond. (Mas mahirap itayo yung sakin) Lesson ng game? Obedience and teamwork, mahirap magtayo ng tent ‘pag zero visibility, malakas hangin o bumabagyo.

Next portion is, Paracord bracelet making with sir Rhynald. Gusto ‘tong segment na ‘to, creative!

Then may mga tinuro si sir Ceejay about fire-making, which is an effective JEST teaser para sakin. Looking forward sa JEST ng GMT! Next is Ropemanship with sir Rhynald and sir Ceejay, very valuable ang portion na ‘to kasi magagamit sa daily life, hindi lang sa emergencies at outdoors.

Early lunch, chicken curry, panalo po!

Rappelling equipment & techniques with sir Ceejay ang sumunod, dito inexplain yung use ng bawat equipment, and yung iba-ibang techniques. Puede palang umakyat sa rope kahit wala kang special equipment for ascend.

Dinner, tinolang manok-sayote, swakto sa dinner hahaha

Socials time, nilabas na ang kinakatakutang ‘Mojito’. Dito na legitimized ang pagiging minion ni ma’am Jewel nung sinabi niya “Banana”. Panalo yung mga banat ni sir Raymond, tuloy mo yan sir hahaha! I think wala namang gumapang papunta ng tent? Haha kasi ako yung naunang natulog, nagsspace-out na ako sa antok eh.

Day 2

Second day, breakfast ng umaga around 8:30 am. Pahinga and then stretching and core trainings, may thrill yung mga pinagawa kasi may weights. Nakakatawa na lang yung sakit sa muscles sa tiyan hahaha. Ang sumunod ay ang pinaghahandaang ropemanship test, kinabahan ako sa exam na ‘to kasi hindi talaga ako confident and mahirap magexam ng kabado.

First time mag boodle fight with this team for lunch, solid nito, sinimot namin ni Kakay eh, sulit!

High angle rappelling, nakakakaba ‘to lalo na sa mga takot sa nanginginig ag tuhod sa heights tulad ko, Challenging and exciting ang pakiramdam lalo na ‘pag turn mo na bumaba. Naexperience ko na mag rappelling sa wall pero ‘pag sa natural setup iba mas nakakakaba, lalo na nung sa first few feet pababa, sobrang uneven kasi nung terrain pero sobrang worth it yung pakiramdam after makababa.

Free time yey! Swimming saglit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *