Bicol Hits:Mt. Isarog

Bicol Hits:Mt. Isarog
by: Mae Delima

April 27,2018, 8pm ang assembly time namen noon sa Raymond bus sa cubao dahil nagkaaberya ang iba sa grab medyo nalate kame at mga around 9pm na kame nagkita kita at nakaalis sa cubao,

Noong patungo kame lahat sa Bicol lahat ay tahimik tila nagdadasal,pero ang totoo tulog lahat at ngiipon ng lakas para sa aming training climb. Dumating kame sa Naga terminal ng mga alas otso ng umaga ng April 28, mula doon sumakay kame ng tricycle patungo sa sakayan ng jeep patungo Panicuason kung saan ang jump-off ng Mt. Isarog.

Dahil hindi na kaya ng jeep na umakyat hanggang sa mismong registration ng Mt. Isarog kame ay naglakad sa gitna ng initan parang nagpipinetensya.

Nang makarating sa mismong registration area kame ay nagrefresh muna at nag-ayos ng mga gamit na dadalhin sa pagakyat ng bundok, at nung naglalagay na kami ng gamit sa may bakanteng kwarto sa may jump-off napansin ko na meron tall pack na iwan. (Sa pagkakalam ko lahat kame naka-Tall pack at lahat ng gamit naming iniwan ay para sa pangalawang araw namin sa Bicol.) Habang ang lahat ay abala sa pagayos ng kani-kanilang gamit ang Team lead, Midman at Sweeper ay nagayos ng kanilang mga gagamiting radio kasama ang aming founder na si Sir Ceejay ang aming LionAlpha

Nagsimula kaming maglakad patungo sa campsite ng Mt. isarog sa ganap na ala-una ng hapon. habang naglalakad kami marami kaming naiisip dahil ang sabe nila maraming limatik dun sa lugar na yon, at karamihan samin ay first time makakita ng limatik, may kasama kaming tatlong local, dalawa sa kanila ay ang aming guide at yung isa naman ay ang aming porter dahil dala namin lahat ng kakainin naming mula Manila. Sa ganap na ala siete ng gabi nakarating kami ng campsite at doon binuo na naming lahat ng aming tent nilagay din naming ang tarp na gagamitin para sa pagsisilungan habang kumakain.

Si sir Ceejay ang nagluto ng aming gabihan at ang niluto niya sa gabing iyon ay afritada, siyempre hindi mawawala ang kwentuhan at kulitan habang nagluluto.  Nagsimula kaming kumain ng mga bandang 8pm, lahat kami sabay sabay walang labis walang kulang lahat din nagtutulungan ang iba kasama sa paghihiwa at pagluto ang iba naman pagkatapos ng kainan sila ang nagliligpit. Nang matapos lahat kumain tuloy ang kwentuhan hanggang sa magkayayaan ng matulog.bandang 10pm lahat nasa tent na at naghahanda ng matulog dito natapos ang unang araw ng aming akyat sa Bicol.

April 29, 2018 4AM nagising kaming lahat para umakyat sa summit ng Mt. Isarog. Nang magising kami malamig at madilim pa kaya ang iba ay nagpainit ng tubig para makapagkape at Milo upang lahat mainitan para mabuhayan ng dugo bago akyatin ang summit. Ganap na 6am nakarating ang lahat sa summit lahat ng picture taking sa summit ng matapos ang picture taking  dinasal naming lahat ang climb against cancer prayer at nag groupie ulit.

Sa aming pagbaba nauna ng bumaba ang mga members at kaming mga applicant ay nagtagal pa ng konti para sa konting picture taking sa trail. Noong pagbaba naming lahat  sa camp site ang mga miyembro ay naghahanda ng makakain naming ng umagahan, ng matapos kaming kumain ng umagahan ng bandang 9am kami ay nagayos na rin para sa pagbaba ng bundok bandang 11am kami nagsimulang bumaba sa jump-off medyo. Natagalan kami sa pagbaba dahil mas marami pa kaming kwentuhan kesa sa pagbaba kaya inabot kame ng 5pm bago makarating sa jump-off. Hindi na kami nakapag wash-up sa jump off kaya diretso na kaming sumakay sa jeep na nirentahan para dumiretso sa Hostel na nirentahan para makapagpalipas ng gabe para sa susunod na akyat naming sa mount asog.

Mahirap pero masaya ang akyat naming sa Mount Isarog may tatlong local kaming kasama dalawa ay guide at yung isa naman ay porter. Masasabi kong napakaganda parin ng Mt. Isarog, bagamat may mga local na naninirahan roon makikita na pinangangalagaan parin ito ng mga local.

Setting of Common Radio Frequency before climbing

Start of Trek

Afritada ni Master

Selfie sa summit

Mossy part of Mt. Isarog

Summit Groupie

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *